May 28, 2025

Home BALITA National

Travel advisory ng US sa Mindanao, inalmahan ng Mindanaoan solon: ‘Unfair shotgun warning!’

Travel advisory ng US sa Mindanao, inalmahan ng Mindanaoan solon: ‘Unfair shotgun warning!’
Photo courtesy: Pexels

Umlma si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa inilabas na travel advisory ng Estados Unidos hinggil sa banta umano sa seguridad ng US tourists sa ilang lugar sa Mindanao.

Mababasa sa Facebook post ni Rodriguez nitong Lunes, Mayo 26, 2025, tahasan niyang tinawag na "shotgun warning" ang naturang travel advisory ng US. 

"This is an unfair, shotgun warning. There are certainly many places in our country that are very safe to tourists such as Cagayan de Oro City. The United States should review this advisory. We do not deserve this unfair treatment from our No. 1 ally," saad ni Rodriguez. 

Saad pa ni Rodriguez, lalo lang daw mapaparalisa ang turismo sa kanilang rehiyon.

National

₱20 na bigas, puwede na ring bilhin ng mga minimum wage earners

"It discourages not only Americans but other foreign tourists as well from visiting the Philippines. It will surely hurt our tourism sector," aniya.

Kaugnay nito, nanindigan siyang biased daw ang naturang travel advisory laban sa Mindanao.

"It is likewise particularly biased against our beloved island, Mindanao," anang mambabatas.

Matatandaang noong Mayo 8, nang ilabas ng US ang pinakabago nilang travel advisory sa Pilipinas, partikular na sa Sulo archipelago sa Mindanao, bunsod pa rin umano ng kriminalidad at terorismo sa nasabing lugar.

"Do Not Travel to: [1] The Sulu Archipelago, including the southern Sulu Sea, due to crime, terrorism, civil unrest, and kidnapping. [2] Marawi City in Mindanao due to terrorism and civil unrest," anang US government.

Ayon pa sa US government, pawang nasa Level 4 umano lebel ng banta sa seguridad ng turismo sa Sulu at Marawi City.

Nag-abiso din sila na ikonsidera na lamang na bisitahin na lamang ang mga lugar ng Davao City, Davao del Norte, Siargao Island at Dinagat Islands.

Samantala, wala pang inilalabas na tugon ang gobyerno ng Pilipinas hinggil sa nasabing travel advisory.

BASAHIN: ALAMIN: Mga bansang nagbabala sa kanilang travel advisories sa pagpunta sa Pilipinas