Dahil sa kaniyang pagkapanalo, napatunayan ng lone bettor mula sa Mandaluyong City na totoong may nananalo sa Lotto.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kumubra na ng Grand Lotto 6/55 jackpot prize ang lalaking lone bettor na nagkakahalagang ₱331,359,271.20.
Ibinahagi ng lone bettor sa PCSO na 10 taon na siyang tumataya sa Lotto at nzwawalan na aniya siya ng pag-asang manalo.
"Nawawalan na nga ako ng pag-asa, inisip ko may nananalo ba talaga sa Lotto?“ saad niya.
Ngayong nanalo siya, nasagot na raw ang kaniyang tanong.
"Nasagot na ang tanong ko, at malaking pagbabago ang maibibigay nito sa buhay ko.”
Dagdag pa niya, gagamitin niya ang napanalunan sa pamamagitan ng pag-donate sa isang animal shelter.
Binati naman ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner.
“This is not just a story of luck, but of perseverance and compassion. It reminds us of the real-life impact of every game and every player who supports our programs.”