Isa ka rin ba sa mga nagtataka kung bakit may ilang kababaihan na pinipiling maging second option ng kanilang mga jowa o asawa?
Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Mayo 25, sinabi ng radio at TV personality na si Papa Jack na kultural umano ang ganitong phenomenon.
“Cultural din siya sa Pilipinas. ‘Di ba kasi sa Pilipinas parang ‘pag lalaki lang nagwo-work, babae nasa bahay, tapos ‘yong babae walang income. Kapag nagloko ‘yong lalaki, ‘yong babae there’s no way for her
to get out of the relationship,” saad ni Papa Jack.
Dagdag pa niya, “At mayro’n tayong turo sa mga nanay natin na, ‘Hayaan mo na. Sa ‘yo naman umuuwi.’ Natatangahan ako do’n.”
Hindi tuloy naiwasan ng host ng naturang online show na si Toni Gonzaga na usisain ang madalas na idinudulog ng kalalakihan kay Papa Jack.
“Sa lalaki, ano ‘yong pinakaproblema nila pagdating sa pag-ibig kapag tumawag sa ‘yo?” tanong ni Toni.
“Paano mamimili kasi may babae sila,” sagot ni Papa Jack. “Kasi—I’m not saying tama ito, ha—
kadalasan naririnig kong problem, ‘yong lalaki, kaya siya nagkaroon ng chic on the side hindi na exciting ‘yong asawa niya.”
“Hirap ang lalaki na i-let go ang excitement niya. Because men are natural discoverers, e. ‘Di ba hunters kami,” dugtong pa niya.
Pero nilinaw ni Papa Jack na ang nasabing excitement ay pansamantala lang at lilipas din kalaunan. Kaya ang pinapayo niya sa lalaking gumagawa nito ay bumalik sa asawa.
“Kasi—especially ‘yong mga wife na stay at home—I always say na that person dedicated a life sa ‘yo. You go to work everyday, magbibihis ka, kasi na-facilitate niya ‘yon sa ‘yo,” aniya.
Samantala, ibinahagi naman niya sa isang bahagi ng panayam na ang pagpapakatanga umano ay requirement sa pag-ibig.
MAKI-BALITA: Pagpapakatanga requirement sa pag-ibig, sey ni Papa Jack