December 13, 2025

Home BALITA National

Kapwa-akusado nina Harry Roque at Cassandra Ong, timbog

Kapwa-akusado nina Harry Roque at Cassandra Ong, timbog
CIDG PHOTOS

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kapwa-akusado nina Harry Roque at Cassandra Ong kaugnay sa umano’y human trafficking sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

Ayon kay CIDG chief PMGen Nicolas Torre III, naaresto ng tracker team ng CIDG noong Mayo 22 ang suspek na si "Marlon" sa Brgy. Tabun, Mabalacat City sa Pampanga. 

Si Marlon ang operation officer ng security agency sa Lucky South 99 Outsourcing Inc. sa Porac nang mangyari ang qualified trafficking in persons. 

Samantala, hinihikayat ni Torre ang iba pang kapwa-akusado nina Marlon, Roque, at Ong na sumuko na sa awtoridad.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

 "I urge the other 50 co-accused to surrender yourselves to the CIDG and authorities because the Tracker Teams are pursuing you 24/7 and will catch you anytime soon," saad ni Torre sa isang pahayag noong Linggo, Mayo 25.

Matatandaang kamakailan lang nang tuluyang naglabas ng warrant of arrest ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Ong  kaugnay sa naturang human trafficking.

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Iginiit ni Roque na isasama raw siya ang warrant of arrest sa aplikasyon niya ng assylum sa Netherlands.

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

Kamakailan lamang din nang kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na inihahanda na nila ang mga kaukulang dokumento upang maipaaresto sa International Crime Police Organization (Interpol) si Roque sa Netherlands.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, naghahanda nang ipaaresto si Roque sa Interpol

KAUGNAY NA BALITA: Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’