"Umakting na lang akong confused at mahina nang bumangon. May pa-'water please' pa ako. Oscar-worthy."
Tila lumabas ang "pagka-artista" ng isang empleyado matapos siyang magpanggap na nahimatay nang mahulog sa upuan habang natutulog sa pinapasukang opisina.
Sa online community na Reddit, ibinahagi ng Reddit user ang kaniyang experience nang makatulog siya sa pantry no'ng lunch break daw niya.
"One day sa office, sobrang antok ko. The night before kasi, I fell down the YouTube rabbit hole watching random videos. Anyway, lunch break na, umupo ako sa pantry area para magpahinga saglit. Sa pinakasulok na area ako umupo, nakatalikod sa lahat.
"Ang sarap ng hangin from the AC, so ayun, mga five minutes pa lang akong nakapikit, hindi ko na namalayan na knockout na pala ako. Next thing I know, nahulog ako sa upuan. As in, bagsak. Bumulagta ako sa sahig," kuwento ng Reddit user.
Kuwento pa niya, hiyang-hiya raw siya kaya ang ginawa niya ay hindi muna siya bumangon. Nagpanggap na lang daw siya na nahimatay. Nanatili siya sa posisyon niya sa sahig.
"Nagpanic pa [mga ka-officemate ko]. May kumuha ng water. May tumawag ng nurse from the clinic. At that point, too deep na ako. Wala nang atrasan. Umakting na lang akong confused at mahina nang bumangon. May pa-'water please…' pa ako. Oscar-worthy."
"So ayun na nga. After nun, dinala ako sa clinic. Checked BP, pulse. Okay naman. Tinanong kung kumain ako. So sinabi ko hindi pa both breakfast and lunch kasi naisip ko yun yung pinakasafe na excuse."
"Tangina, gusto ko na lang talaga lumubog sa sahig sa hiya. Parang gusto ko nalang umuwi kasi nakakahiya talaga, pero parang ayoko rin, kasi baka isipin nila sobrang lala talaga ng lagay ko. Gusto nga akong pauwiin early para raw makapagpahinga. Pero sabi ko okay na ako, need lang kumain."
"Pagbalik ko sa desk, hindi ako makatingin sa mga tao. Yung iba kunwari chill lang, pero ramdam mo yung side-eye. May isa akong officemate na nagchat ng "Uy, okay ka na?" Napangiti na lang ako habang nagtatype, pero deep inside, gusto ko nang magfile ng immediate resignation. Hahaha."
"Lesson learned: Kapag antok ka, matulog ka. Wag nga lang sa upuan na walang sandalan."
Umani naman ng mga komento ang naturang post sa Reddit.
"I'm so sorry for laughing. At the same time, that was uhm pretty quick of you to think of that solution. Lol."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA pwede mo na ilagay sa resume mo: quick thinker, adaptable, committed (to the bit)"
"water please pa nga HAHAHAH sorry po, op tawang tawa ako"
"Pano mo nagawa yung ng hindi tumawa "
"Wag ka magresign! Continue mo lang ng isa pang araw na kunyari mejo masama pa pakiramdam mo hahahaha char"
"Pag nahuhuli pala tulog dapat mahimatay na ng tuluyan. Thanks sa tips HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA"
"Napatawa moko. Inimagine ko lahat yung kwento mo. Hahaha"
"Salute to you, OP! Napanindigan mo yung pagiging artista mo!"
"Well, at least alam na natin kung ano yung pwede mong backup career if magreresign ka "
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.