Kiinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mas madalas umanong mangyari ang diskriminasyon sa mga pampasaherong jeep kumpara ibang public utility vehicle (PUV).
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Mayo 26, sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. Ariel Inton na wala sila gaanong natatanggap na reklamo ng diskriminasyon sa ibang PUV tulad ng motorcycle taxi.
“Wala po gaano. Sa jeepney po madalas, lalo na sa pagbibigay ng discount dahil mataba raw,” saad ni Inton.
Sa katunayan, ayon sa tagapagsalita ng LTFRB, mula umano sa pasahero ng isang pampublikong jeep ang pinakamalala nilang natanggap na sumbong.
Aniya, “Ito pong isang inilapit sa amin ng isang reporter, I think, is worst. [...] Sumakay siya, ibinayad niya ay PWD pay. Tinanggihan. At ang sabi, bumaba ka na lang.”
Batay sa sumbong ng pasahero, ang jeep umanong nasakyan niya ay bumibiyahe sa Project 8, Quezon City.
Matatandaang nauna nag binalaan ng LTFRB ang PUV drivers na magpapadagdag ng bayad batay sa timbang ng pasahero ang public utility vehicle drives at operators kaugnay sa pagpapataw ng karagdagang bayad sa mga pasaherong sobra ang timbang.
Ayon sa ahensya, sakaling mapatunayan ang mga reklamo, may naghihintay umanong kaparusahan sa mga driver at operator na naniningil nang hindi tama sa mga pasaherong sobra ang timbang.
MAKI-BALITA: LTFRB, nagbabala sa mga tsuper na naniningil ng dobleng pamasahe sa mga ‘plus size’ na pasahero