May 28, 2025

Home BALITA

CEAP, umapela sa gobyerno matapos arestuhin mga katutubong Molbog

CEAP, umapela sa gobyerno matapos arestuhin mga katutubong Molbog
Photo Courtesy: CEAP, Sambilog - Balik Bugsuk Movement (FB)

Tinuligsa ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pag-aresto ng mga awtoridad sa 10 katutubong Molbog na nakatira sa Sitio Marihangin sa Bugsuk Island.

Ang CEAP ay itinuturing na pinakamalaking samahan ng mga Catholic school sa bansa.

Sa isang pahayag ng CEAP kamakailan, umapela sila sa pamahalaan na igalang ang karapatan ng mga katutubo.

“We appeal to concerned authorities to uphold due process, respect indigenous rights, and ensure the safety and dignity of the Molbog people,” saad ng CEAP.

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

Ayon sa asosasyon, ang mga residente umano sa Marihangin ay mga ordinaryong mangingisda na lumalaban mula sa tangkang pagkamkam ng kanilang lupang ninuno dahil sa ecotourism project ng San Miguel Corp. at Bricktree Properties.

Matatandaang umalma rin ang tinaguriang “green-influencer” na si Celine Murillo kaugnay sa panghihimasok umano ng 96 na pribadong guwardiya sa Sitio Marihangin noon pang Abril.

MAKI-BALITA: 'Green-influencer' Celine Murillo, umalma sa panghihimasok ng 96 guwardiya sa Sitio Marihangin