May 25, 2025

Home BALITA National

Villanueva, patuloy na magsusulong ng panukalang batas para sa mga guro

Villanueva, patuloy na magsusulong ng panukalang batas para sa mga guro
Photo Courtesy: Joel Villanueva, PRC via MB

Tiniyak ni Senador Joel Villanueva ang patuloy na pagsusulong niya ng panukalang batas na mag-aangat sa kalidad ng kaguruan sa Pilipinas.

Sa latest Facebook post ni Villanueva noong Sabado, Mayo 24, binati niya ang mahigit limampung libong guro na pumasa sa March 2025 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

“Bilang inyong #EmpleyadoSaSenado, asahan po ninyo na patuloy nating isusulong ang mga panukalang mag-aangat sa kalidad ng ating mga guro tulad po ng isinusulong nating Senate Bill No. 2913 na mag-aamyenda sa Teachers Professionalization Law upang lalo pang maiakma ang LEPT sa mga pre-service teacher education program sa bansa,” saad ni Villanueva.

Dagdag pa niya, “Congratulations at mabuhay ang ating mga bagong guro ng bayan! ”

National

Romualdez, umapela sa pagsugpo ng AI-powered misinformation, cyber threats

Matatandaang iniakma na ang kurikulum ng Commission on Higher Education (CHED) sa content ng LEPT sa isinagawang ceremonial signing noong Abril 10.

MAKI-BALITA: CHED Curriculum, BLEPT content magkatugma na!