May 25, 2025

Home BALITA National

Romualdez, umapela sa pagsugpo ng AI-powered misinformation, cyber threats

Romualdez, umapela sa pagsugpo ng AI-powered misinformation, cyber threats
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nanawagan ng global unity si House Speaker Martin Romualdez para masawata o mapigilan na ang Artificial Intelligence (AI)-powered misinformation at cyber threats na naglipana ngayon sa social media at internet world.

Bahagi ito ng talumpati ni Romualdez sa naganap na 29th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) sa Madrid, Espanya kung saan hinimok niya ang mga bansa na sugpuin ang data manipulation, cyber-attacks, at AI-generated propaganda.

“In an age when misinformation, cyber warfare, and AI disruption threaten the very fabric of our societies, the need for vigilance and unity among democracies has never been greater,” aniya.

Ipinagdiinan din ni Romualdez na ang tungkulin daw ng mga mambabatas ay magamit ang digital technology para sa progreso hindi para maging weapon o kasangkapan sa division o pagkakawatak-watak.

National

Villanueva, patuloy na magsusulong ng panukalang batas para sa mga guro

"Forums like the PI-SF allow us to expand these initiatives globally. Here, we are not merely exchanging intelligence—we are building solidarity, mutual understanding, and the legislative muscle to defend freedom and prosperity in this rapidly shifting world,” aniya pa.