Ibinahagi ng radio at TV personality na si Papa Jack tungkol sa aniya’y isa sa mga requirement sa pag-ibig.
Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 25, sinabi ni Papa Jack na sa pag-ibig umano ay kinakailangan ang pagpapakatanga.
“Lagi kong sinasabi na ang pagpapakatanga requirement ‘yan sa pag-ibig. Pero for the right person lang,” saad ni Papa Jack.”
Dagdag pa niya, “Because when you’re in love, marami kang papalampasin, e. Marami kang papalampasin na no’ng hindi pa siya ‘yong mahal mo, ayaw mo ‘yon. Pero dahil mahal mo, palalampasin mo.”
Kaya ang unang layunin daw dapat ng sinoman ay tukuyin kung tamang tao ba ang pinaglalaanan ng pagpapakatanga.
Bukod dito, binanggit din ni Papa Jack ang sinabi umano ng isang doktor sa kaniya na ang pagmamahal daw ay isang mental condition.
“Kasi ‘di ba may mga bagay na dating mali sa ‘yo. [Pero] ‘pag nagmamahal parang acceptable na,” paliwanag niya.