May 25, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Pag di nakumpleto bakuna sa rabies, mawawalan ng bisa unang bakuna na nabigay—Doc Alvin

'Pag di nakumpleto bakuna sa rabies, mawawalan ng bisa unang bakuna na nabigay—Doc Alvin
Photo courtesy: Screenshot from Doc Alvin (FB)

May paalala ang doctor-social media personality na si "Doc Alvin Francisco" patungkol sa bisa ng pagpapabakuna ng anti-rabies vaccine.

Aniya, kapag hindi nagtuloy-tuloy ang serye ng bakuna, mawawalan ng bisa ang naunang turok, kung may unang shot na.

"Pag di nakumpleto ang bakuna sa rabies, mawawalan ng bisa ang unang bakuna na nabigay," aniya sa kaniyang Facebook post, Linggo, Mayo 25.

"May mga libreng rabies vaccine sa health centers at government hospitals," dagdag pa niya.

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Nag-ugat ang paalala ng doktor sa isang lalaking namatay dahil sa rabies matapos lumabas ang mga sintomas nito, siyam na buwan matapos makagat.

Nagpaalala rin ang doktor hinggil sa mga dapat gawin kapag nakagat, nakalmot, o nalawayan ng isang aso ang sugat, lalo na kung walang anti-rabies shot ang hayop.

KAUGNAY NA BALITA: Lalaking namatay sa rabies, nakapag-‘I love you’ pa, bago bawian ng buhay