May 25, 2025

Home BALITA National

Mga primaryang departamento ng gabinete, patuloy ang ebalwasyon—Exec. Sec. Bersamin

Mga primaryang departamento ng gabinete, patuloy ang ebalwasyon—Exec. Sec. Bersamin
Photo courtesy: screengrab from RTVM

Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga primaryang departamento raw ng pamahalaan para sa kanilang ikinakasang ebalwasyon sa miyembro ng gabinete.

Sa panayam ng media kay Bersamin nitong Linggo, Mayo 25, 2025, muli niyang binigyang-diin na marami umanong tatamaan sa reorganisasyon ng gabinete ni PBBM. 

“Maraming tatamaan dahil ang memo ko, yung Cabinets, Presidential appointees at Heads of agencies,” ani Bersamin.

Dagdag pa niya, “Karamihan ng mga departments na ine-evaluate kaagad yung mga kinalaman sa taumbayan, yung direct. Mayroon kasing mga opisinang hindi masyadong involve sa daily life sa mga tao.” 

National

Romualdez, umapela sa pagsugpo ng AI-powered misinformation, cyber threats

Ilan sa mga primaryang departamentong itinuturing na may direkta raw kaugnayan sa taumbayan ay ang sektor ng edukasyon, transportasyon, kalusugan, agrikultura at national defense.

Samantala, matatandaang nauna nang ihayag ni Bersamin na hindi tinanggap ni PBBM ang courtesy resignation ng lima niyang economic team, matapos niyang ipag-utos noong Mayo 22 ang malawakang pagbibitiw sa puwesto ng lahatng kaniyang gabinete.

KAUGNAY NA BALITA: Economic team ni PBBM, mananatili sa puwesto—Bersamin

KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Hinggil naman sa miyembro ng gabinete na inalis sa puwesto, nauna na ring kinumpirma ni Bersamin ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Sec. Antonia Yulo-Loyzaga.

“I don't know how fair or unfair that perception is, na mas malimit siya sa labas ng bansa. Yun ang recurring na pinapadating sa amin. Ngunit huwag na natin siyang husgahan. Whether inefficiency pa 'yan o hindi, that's not up for us to do,” saad ni Bersamin.

KAUGNAY NA BALITA: DENR Sec. Yulo-Loyzaga, na-elbow na sa gabinete ni PBBM?