May 25, 2025

Home BALITA

Lumad teacher na pumanaw, nangangailangan ng tulong

Lumad teacher na pumanaw, nangangailangan ng tulong
Photo Courtesy: Freepik

Nanawagan ng tulong ang mga kasamahan ni Teacher Roshelle Mae Porcadilla na pumanaw matapos ang pakikipaglaban sa sakit na lupus.

Sa isang Facebook post ng Save Our Schools Network noong Biyernes, Mayo 23, mabigat nilang ibinalita sa publiko ang nangyari kay Teacher Roshelle.

“Mabigat sa aming puso ang pagbabahagi ng balita na si Teacher Roshelle Mae Porcadilla ay pumanaw na kahapon, Mayo 22, 2025, matapos ang matagal na pakikibaka sa sakit na Lupus,” saad ng naturang non-government organization na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata sa edukasyon.

Anila, hindi lang daw basta guro si Teacher Roshelle kundi isa ring bayani ng edukasyon para sa mga batang Lumad.

Politics

Sen. Robin, nadawit sa pagkaligwak ng ibang artistang kumandidato

“Bilang dating guro sa mga Lumad school sa Mindanao na sapilitang ipinasara, inialay niya ang kanyang buhay upang maipagpatuloy ang pagtuturo sa kabila ng panganib at kawalan,” dugtong pa ng Save Our Schools Network.

Kaya naman para sa mga gustong tumulong, narito ang detalye kung paano ito maipapaabot:

GCash

09369281931

Kat Dalon