Nanindigan si dating Bayan Muna Party-list Representative Ferdinand Gaite na mababasura lamang daw ang nakabinbing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung sakaling matuluyang maging Senate President si Sen. Imee Marcos.
Ayon sa pahayag ni Gaite nitong Linggo, Mayo25, 2025, ‘power play’ lamang daw ang mangyayari kung magiging Pangulo ng Senado si Sen. Imee.
“Goodbye impeachment na kapag ganito ang nangyari. Paano pa mapapanagot si Sara Duterte sa paglustay nya sa confidential funds,” ani Gaite.
Dagdag pa niya, “Tactically, this is a power play not just for control but also for protection. If Senator Marcos or a Duterte ally becomes Senate President, we can say goodbye to the possibility of Vice President Duterte facing impeachment or any form of accountability for her actions.”
Matatandaang sa kabila ng naging hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte at pamilya Marcos ay nananatili umanong magkaibigan si VP Sara at Sen. Imee.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Di binanggit si PBBM?’ Sen. Imee, pinasalamatan sina FPRRD, VP Sara sa proklamasyon
Ayon pa kay Gaite, pawang pang-personal na interes lang daw ang ugnayan sa pagitan ng Pangalawang Pangulo at ng sendora.“This alliance is not about governance or accountability—it’s about mutual protection and advancing each other’s political interests. The Senate must be independent, not a rubber stamp for political dynasties,” aniya.
Kamakailan lang nang kumpirmahin ni Sen. Imee sa media na may ilang mga senador na raw ang lumalapit na rin sa kaniya upang ialok ang posisyon ng Senate President, kung saan isa sa mga matutunog na pangalan na nagbabalak muli sa naturang posisyon ay sina Senate President Chiz Escudero at Senator-elect Tito Sotto III.
KAUGNAY NA BALITA: : Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President