Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ibalik at manatili sa puwesto si Education Secretary Sonny Angara.
Sa pahayag ng CEAP noong Sabado, Mayo 25, 2025, binigyang-diin nila ang mga nagawa raw ni Angara magmula nang siya ay umupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
“In a remarkably short period, he has effectively addressed numerous challenges facing the Philippine education system. Under his leadership, we have witnessed a leader who truly listens and has much to contribute to our government’s efforts,” anang CEAP.
KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete
Samantala, iginiit din ng CEAP na ang tunay na kailangan umano ng sektor ng edukasyon ay may mas maging matatag na institusyon at hindi bagong pamunuan.
“There is an urgent need for stability within the Department of Education, especially in these challenging times,” anila.
Si Angara ang pumalit na kalihim ng DepEd matapos magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte noong Hunyo 19, 2024 nang pumutok ang isyu sa pagitan nila ng PBBM admin at tungkol sa umano'y maanomalyang paggamit niya ng confidential funds ng naturang ahensya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’