May 25, 2025

Home BALITA Internasyonal

Exhibit para kay FPRRD sa 'Duterte Park' sa The Hague, binuksan sa publiko

Exhibit para kay FPRRD sa 'Duterte Park' sa The Hague, binuksan sa publiko
Photo courtesy: FPRRD supporters (FB)

Isang exhibit para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang inilunsad ng kaniyang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands, na nakapuwesto sa labas ng International Criminal Court (ICC) Detention Center kung saan nakadetine ang dating pangulo.

Ang nabanggit na exhibit, na may pamagat na "Rodrigo Roa Duterte: The People’s President" ay bukas sa publiko, na nagsimula noong Mayo 24, at magtatapos sa Mayo 28.

"The public is invited to explore Rodrigo Roa Duterte: The People’s President, a special five-day exhibition examining the life, leadership, and legacy of the Philippines’ 16th president," mababasa sa post ng "FPRRD supporters" Facebook page.

"Through a compelling collection of photographs and multimedia installations, the exhibit offers a nuanced look at the man who shaped a pivotal chapter in Philippine history."

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

"The exhibition has been formally inaugurated during the Unite for Duterte event on May 24 at Malieveld, with a ribbon-cutting ceremony featuring Senator Robinhood Padilla and other guests."

"Following its overnight stay at Malieveld, the exhibit will continue its run at various sites throughout The Hague. It is now at the Duterte Park near the ICC Detention Facility."

"This exhibit is free and open to the public," anila pa.

Makikita sa buong area na tinawag ng mga Pilipino na "Duterte Park" ang iba't ibang photographs at multimedia installations para sa mga nagnanais na masilayan ang kuwento at ilang detalye sa buhay ng dating pangulo, simula nang pasukin niya ang mundo ng politika hanggang sa maging pangulo ng Pilipinas.