May 25, 2025

Home BALITA Metro

ALAMIN: Mga lugar na apektado ng pagbabalik ng 'No Contact Apprehension'

ALAMIN: Mga lugar na apektado ng pagbabalik ng 'No Contact Apprehension'
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang muling pagbabalik ng implementasyon ng no contact apprehension policy (NCAP) sa darating na Lunes, Mayo 26, 2025.

Ang NCAP ay isang traffic management program na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan katuwang ang MMDA at Land Transportation Office (LTO). Sa pamamagitan ng mga nakakabit na CCTV cameras sa mga piling lansangan, nagagawang ma-monitor ng MMDA ang mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko nang hindi nila kakailanganing personal na sitahin o mang harang sa daan.

Noong taong 2022, tinatayang aabot sa tatlong milyong sasakyan ang naiulat na nagkaroon ng paglabag sa batas-trapiko bunsod ng NCAP. Habang taong 2024 naman ng sinuspinde ang operasyon nito matapos ang malawakang pag-kuwestiyon ng mga motorista.

Sa muling pagbabalik nito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, narito ang listahan ng mga lugar na apektado nito:

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

C1 – Recto

C2 – Mendoza, Pres. Quirino Ave.

C3 – Araneta Ave.

C4 – EDSA

C5 – C.P. Garcia, Katipunan Ave., Tandang Sora

R1 – Roxas Blvd.

R2 – Taft Ave.

R3 – South Superhighway

R4 – Shaw Boulevard

R5 – Ortigas Ave.

R6 – Magsaysay Blvd., Aurora Blvd.

R7 – Quezon Ave., Commonwealth Ave.

R8 – A. Bonifacio

R9 – Rizal Ave.

R10 – Del Pan, Marcos Highway, McArthur Highway

Samantala, wala pang inilalabas na pinal na desisyon ang Korte Suprema hinggil sa mga petitioner ng legal na implementasyon ng NCAP katulad ng nagmula sa Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc.