May 24, 2025

Home BALITA National

Sen. JV Ejercito, 'di pabor bawasan buwis sa sigarilyo, tobacco products

Sen. JV Ejercito, 'di pabor bawasan buwis sa sigarilyo, tobacco products
Photo Courtesy: JV Ejercito (FB), via MB

Naghayag ng pagsuporta si Sen. JV Ejercito sa pagtutol ng kapuwa niya senador na si Win Gatchalian sa panukalang batas na naglalayong pababain ang buwis sa tabako.

Sa isang Facebook post ni Ejercito nitong Sabado, Mayo 24, sinabi niyang tungkulin niyang ipaglaban ang bawat polisiyang pumuprotekta sa pampublikong kalusugan.

“As the principal author of the Universal Health Care (UHC) Law, we have a duty to defend every policy that protects public health and secures the future of our healthcare system,” saad ni Ejercito.

Dagdag pa niya, “Noong 2019, nanguna tayo sa panawagang itaas ang buwis sa sigarilyo at iba pang tobacco products dahil alam nating ito ang susi sa dalawang mahalagang bagay: para pondohan ang Universal Health Care at bawasan ang bilang ng mga Pilipinong nalululong sa paninigarilyo.”

National

Heidi Mendoza kay PBBM: ‘Mukhang trip to Jerusalem lang’

Bukod dito, iginiit din ni Ejercito na hindi pa umano napapatunayang epektibo bilang solusyon sa smuggling ang pagbabawas ng buwis sa tabako.