Nagsumite na rin ng kaniyang courtesy resignation si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto, kasunod ng naging direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete.
Isinumite ni Sotto ang kaniyang resignation noong Biyernes, Mayo 23, 2025, kung saan nagpahayag din siya ng pasasalamat sa tiwalang ibinigay daw sa kaniya na mapamunuan ang naturang ahensya.
"Following your call for courtesy resignation, I respectfully tender my resignation as Chairperson and CEO of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), effective upon your acceptance or as you may deem appropriate," ani Sotto.
Dagdag pa niya, "I remain grateful for the opportunity to contribute to nation-building through this agency and for the trust you have placed in me during my tenure."
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 22, nang ipag-utos ni PBBM na magsumite ng resignation ang lahat ng kaniyang gabinete upang magkaroon ng reorgnasisayon sa kaniyang administrasyon na magbibigay daw ng mas mabibilis na progreso sa taumbayan.
KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete
Kaugnay nito, noong Biyernes, Mayo 23 nang ihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na lima sa economic team ni PBBM ang mananatili sa gabinete matapos hindi tanggapin ng Pangulo ang kanilang resignation.
KAUGNAY NA BALITA: Economic team ni PBBM, mananatili sa puwesto—Bersamin
Samantala, si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Antonia Yulo-Loyzaga naman ang naunang pinangalanan ng Palasyo na tuluyang inalis sa puwesto kung saan nakatakda siyang palitan ni Energy Secretary Raphael Lotilla.
KAUGNAY NA BALITA: DENR Sec. Yulo-Loyzaga, na-elbow na sa gabinete ni PBBM?