May 24, 2025

Home BALITA National

Magalong, sang-ayon sa ginawang ‘courtesy resignation’ ng mga gabinete ni PBBM

Magalong, sang-ayon sa ginawang ‘courtesy resignation’ ng mga gabinete ni PBBM
Photo Courtesy: Benjamin Magalong, Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng pahayag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na “courtesy resignation” sa gabinete nito.

Sa isang Facebook post ni Magalong nitong Sabado, Mayo 24, sinabi niyang tinatanggap daw niya ang desisyon ng pangulo na nagpapakita ng kagustuhan nitong tumupad sa pangakong reporma.

“When we met in 2018, prior to the filing of his candidacy for the presidency, he expressed his desire to redeem his father's name, and his most recent initiative is a step in that direction,” saad ni Magalong.

Kaya naman naglatag siya ng ilang mungkahi upang mapalakas ang paglaban sa korupsiyon. Narito ang bumubuo sa listahan:

National

Heidi Mendoza kay PBBM: ‘Mukhang trip to Jerusalem lang’

1. Abolish congressional pork barrel allocations in executive departments like DPWH, DSWD, DOLE, DOH, etc., ensuring transparency and accountability in resource allocation.

2. Shield departmental appointments, particularly in frontline departments like DPWH, from congressional interference to ensure merit-based selections.

3. Eliminate the practice of "percentages"  of corrupt politicians in public projects and other forms of corruption that undermine public trust.

4. ALL TRANSPARENCY IN THE BIDDING PROCESS TO PREEMPT RIGGED BIDDINGS THAT ONLY BENEFIT CORRUPT POLITICIANS  (AND THEIR RELATIVES) WHO ARE CONTRACTORS AND SUPPLIERS.   

5. Hold corrupt politicians accountable through swift and impartial prosecution.

6. Remove congressional control over programs like AKAP, AICS, MAIP, TUPAD, CHED, and TESDA scholarships, ensuring these resources directly benefit the people WITH FULL TRANSPARENCY and without partisan influence.

Nilinaw naman ni Magalong na bagama’t ang courtesy resignation ay isang welcome start, mahalaga pa rin umanong maipagpatuloy ang makabuluhan at makatotohanang reporma sa gobyerno sa ilalim ni Marcos.

Matatandaang sinabi ng pangulo na ang naturang panawagan ay naglalayong mabigyan siya ng pagkakataon upang suriin ang "performance" ng bawat departamento.

BASAHIN: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete