May 24, 2025

Home BALITA

LTFRB, nagbabala sa mga tsuper na naniningil ng dobleng pamasahe sa mga ‘plus size’ na pasahero

LTFRB, nagbabala sa mga tsuper na naniningil ng dobleng pamasahe sa mga ‘plus size’ na pasahero
Photo courtesy: LTFRB/Facebook, Pexels

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUVs) hinggil sa paningil daw ng doble sa mga pasaherong plus size.

Sa inilabas na pahayag ng LTFRB nitong Sabado, Mayo 24, 2025, iginiit ng ahensya na labag umano sa batas ang hindi patas na paniningil ng mga pampublikong sasakyan.

"Regardless of a passenger's size, the dare covers one person. This practice of overcharging is not only unlawful-it is discriminatory and fundamentally unjust," ani LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz.

Dagdag pa niya, maaaring maparusahan ang sinumang operator o driver na mapapatunayan o mahuhuling umaabuso raw sa kanilang mga pasahero.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

"PUV drivers and operators found guilty of such practices will be held accountable and face appropriate sanctions," aniya. 

Ayon sa ahensya, ilang beses na raw silang nakatatangap ng mga reklamo patungkol sa dobleng paniningil ng mga tsuper na lampas sa standard rate na itinakda ng LTFRB.

"The LTFRB has recently received several complaints alleging that overweight or plus-size passengers are being charged fares exceeding discriminatory and lawful," anang LTFRB.

Kaugnay nito, nanawagan din ang LTFRB sa publiko na huwag daw mag-atubiling i-report sa kanila ang anumang insidente na may kinalaman sa overcharging ng mga PUV.

"Chairperson Guadiz urged passengers who experience or witness any form of overcharging or discrimination to immediately report incidents through the LTFRB hotline 1342, its official social media pages, or by email at [email protected].," anang ahensya.