Willing daw magbayad sa mga netizen ang social media personality na si Meiko Montefalco na makatutulong sa kaniya sa paghahanap ng ebidensya laban sa mister na si Patrick Bernardino, matapos ang pagsisiwalat niya sa umano'y ginawa nitong panloloko sa kaniya.
Nagulantang ang social media sa mga eskandalosong pasabog ng content creator nang ibunyag niya sa publiko ang mga umano'y pangangaliwa sa kaniya ng mister.
Kalat at pinuputakti sa social media ang hayagang pangongompronta ni Meiko kay Patrick, na aniya, ay nagawang "sumalisi" sa umano'y kabit nito, habang siya ay nasa Boracay.
Direkta pang tinanong ni Meiko si Patrick kung "kinain" ba nito ang kiffy ng kabit, bagay na ikinaloka lalo ng mga netizen.
Paglilinaw ni Meiko, ginawa niya ang video recording sa naganap na komprontasyon upang magkaroon ng sapat na ebidensya laban sa asawa.
Hindi pala ito ang unang beses na may insidente ng umano'y cheating laban sa kaniya ang mister.
"I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything," saad ni Meiko.
Nakipagbalikan daw siya noon kay Patrick alang-alang sa kanilang anak upang hindi ito masira. Pero sa pagkakataong ito, tila hindi na raw palalagpasin ni Meiko ang lahat at hindi na babalikan ang mister.
Patuloy naman sa paglalapag ng mga ebidensya niya si Meiko laban sa mister sa kaniyang social media posts. Nagpatulong pa siya sa mga netizen sa paghahanap ng mga pruweba ng umano'y panloloko nito sa kaniya.
"WHOEVER CAN GIVE ME A SOLID AND CONCRETE PROOF OF MY HUSBAND'S CHEATING, I WILL PAY FOR YOUR INFORMATION," aniya sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Mayo 23.
"Wala akong pakialam kahit ikaw mismo yong kabit. Babayadan pa din kita tutal akala niyo ata pera ng asawa ko pinanggagastos niya sa inyo."
"Pera ko lahat yon."
"Message me if you have a solid unquestionable information. I WILL PAY YOU," aniya pa.

Sa isa pang Facebook post, "IF YOU ARE GONNA SEND ME PROOFS, PROVIDE NIYO NA AGAD WHAT YOU KNOW AND WHAT YOU HAVE PLEASE. Awa na lang sa akin."
"If hearsay lang like 'sabi ni ganito' or 'nakita ko sila sa ganito' huwag na po."
"I NEED SOLID, CONCRETE UNQUESTIONABLE EVIDENCES. May picture. May video."
"I WILL PAY."
"MARAMING SALAMAT."

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Meiko na hindi niya kailangan ng profiles. Ang kailangan niya ay solidong mga pruweba ng umano'y panloloko sa kaniya.
"I dont need the scandal of the trash. I dont need their profiles because I have all of it already. What I need is a SOLID PROOF OF MY HUSBAND'S CHEATING. Provide a screenshot, a photo or video, when and where it happened. Kung puro hearsay lang mahirap yan. Pero kung meron man, ikwento niyo na agad pagkamessage nyo. I wont respond to Hi ate meiko or Hello. I need the info right away please maawa kayo sa aken. That will help me so much to get every drop of the justice I deserve," aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!