May 24, 2025

Home BALITA

Kaufman, isinisi kay PBBM pagkakadetine ni FPRRD sa ICC

Kaufman, isinisi kay PBBM pagkakadetine ni FPRRD sa ICC
Photo courtesy: file photo, Bongbong Marcos/FB, ICC/website

Kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. isinisi ni Atty. Nicholas Kaufman ang pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng international media kay Kaufman noong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang si PBBM daw ang may pakana sa pagkakakulong ng kaniyang kliyente.

"The real prosecutor in this case is actually in Manila, sitting in his Palace. He's the person who threw [former]President Duterte over here to The Hague," ani Kaufman.

Iginiit din ni Kaufman na ginagamit lang daw ni PBBM ang kaniyang kapangyarihan para sa sariling politikal na interes.

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

"He's the person who used the Office of the Prosecutor as a tool in his political campaign, and it won't work," aniya.

Kaugnay nito, inungkat ni Kaufman tinawag niyang "landslide victory" daw ni dating Pangulong Duterte sa Davao City noong nakaraang eleksyon. 

"The former President won a landslide victory. As far I'm concerned, that's a finger in the eye to the people who threw him over here," anang abogado.

Dagdag pa niya, "That's the real point of the elections. It was a protest vote."

BASAHIN: FPRRD, di pwedeng mag-'work from Hague’ bilang mayor ng Davao City? 

Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte matapos magbaba ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng reklamong "crimes against humanity" hinggil sa kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Samantala, nanawagan din si Kaufman sa mga tagasuporta ng dating Pangulo.

"Support him lawfully, and with all respect for due process, the judges, and the victims, who... have an important role to play," saad ni Kaufman.

Sa Setyembre inaasahang isagawa ang confirmation charges hearing kay dating Pangulong Duterte kung saan umaasa ang kaniyang kampo na maiaapela nila ang pansamantala niyang paglaya.