Nagbigay ng reaksiyon ang dating komisyuner ng Commission on Audit (COA) na si Heidi Mendoza kaugnay sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na mag-courtesy resignation ang mga miyembro ng kaniyang gabinete.
Sa latest Facebook post ni Mendoza nitong Sabado, Mayo 24, inilarawan niya ang ginawang “courtesy resignation” ng mga gabinete ni Marcos bilang “trip to Jerusalem.”
“Mukhang trip to Jerusalem lang, ang ginawang paglilinis at yung mahina-hina ang kapit, walang nakuhang upuan, tanggal!” saad ni Mendoza.
Kaya ang panawagan ng dating komisyuner sa pangulo, “[F]lex more muscles please! The people are watching! Walang masama sa reconciliation pero dapat may timbang din ang pananagutan!”
“Hindi mo lang call yan, call din yan ng mamamayan!” dugtong pa ni Mendoza.
Matatandaang sinabi ni Marcos na ang naturang panawagan ay naglalayong mabigyan siya ng pagkakataon upang suriin ang "performance" ng bawat departamento.
BASAHIN: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete