Iniluklok ni Pope Leo XIV si Cardinal Luis Tagle bilang isa sa pinakamataas na opisyal sa Vatican.
Sa ulat ng CBCP News nitong Sabado, Mayo 24, sinabi nilang ipinasa umano ng Santo Papa kay Tagle ang titulo ng pagiging Cardinal Bishop ng Albano na pinaniniwalaang sa pitong pinakaimportanteng diyosesis na nakapalibot sa Roma.
Ang nasabing posisyon ngayon ni Tagle ay dating ginampanan ni Pope Leo XIV, na noo’y si Cardinal Robert Prevost.
Matatandaang bago ito igawad kay Tagle ay nagsilbi muna siyang cardinal priest sa Church of San Felice da Cantalice sa Centocelle mula 2012.
Ngunit noong 2022 ay inordenahan siya bilang cardinal bishops ng namayapang si Pope Francis at dinestino sa parehong simbahang binanggit.