May 24, 2025

Home BALITA Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password
Photo courtesy: Muntinlupa Police via Manila Bulletin

Nasakote ng pulisya ang isang ina sa Muntinlupa City matapos umano niyang undayan ng saksak ang kaniyang sariling anak.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Sabado, Mayo 24, 2025, sa Wi-Fi password daw nag-ugat ang pagtatalo ng suspek at biktima.

Nauna raw lapitan ng suspek ang isa pa niyang anak na babae para sa Wi-Fi password, ngunit ang biktima raw ang nakakaalam nito. Lumalabas sa imbestigasyon na pinalitan ng biktima ang Wi-Fi password upang hindi makagamit ng internet ang kanilang ina na umano'y lulong na sa online sugal.

Pinag-initan daw ng suspek ang nasabing anak na babae dahil sa Wi-F password kaya't napilitang umawat at makisali ang biktima. Doon na raw inundayan ng suspek ng saksak ang kaniyang anak na nagtamo ng sugat sa kanang braso.

Metro

61-anyos na lola, na-hit-and-run ng dalawang sasakyan, patay!

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).