May 23, 2025

Home BALITA Politics

Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President

Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Inihayag ni Senator-elect Erwin Tulfo na nanliligaw na umano sa kaniya ang mga ng mga senador sina Senate President Chiz Escudero at Senator-elect Tito Sotto III para muling maging Pangulo ng Senado.

Sa panayam ng media kay Tulfo nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang pareho na raw siyang nilapitan ng dalawa upang humingi umano ng suporta.

“Tingnan ko pa. Pareho sila inimbitahan ako. They want to sit down with me,” ani Tulfo.

Si Escudero ang kasalukuyang Senate President ng 19th na inaasahang mapapalitan sa pagpasok ng 20th Congress. Ang posisyon ng pagiging Pangulo ng Senado ang ikatlo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Politics

Camille Villar, nagpasalamat kay VP Sara Duterte sa Suporta

Dagdag pa ni Tulfo, “I still have to make my conclusion kung kailangan magkasundo kami, kaya nga I need more time to consult.”

Matatandaang nauna nang kumpirmahin ni Senator-elect Ping Lacson na nasa 13 senador na raw ang nagpahayag ng suporta kay Sotto upang maibalik na Senate President.

KAUGNAY NA BALITA: 13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

Kaugnay nito, kamakailan lang nang igiit naman ni Sen. Imee Marcos na wala pa raw malinaw kung ano ang magiging takbong organisasyon at liderato ng Senado. 

KAUGNAY NA BALITA: Pagbabago sa liderato ng Senado, hindi pa malinaw—Sen. Imee