Iginiit ni Sen. Imee Marcos na may ilang senador daw na kumakausap sa kaniya na maging Senate President.
Sa panayam sa kaniya ng media nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, bagama’t hindi niya ibinahagi ang kaniyang kasagutan sa mga umano’y senador na nag-aalok ng posisyong maging Senate President, nanindigan siya kung ano raw dapat baguhin ng uupong lider ng Senado.
“Some senators have approached me with the proposal to be their candidate for Senate President,” anang senadora.
Dagdag pa niya, “Whoever will be elected by our peers, whether it is me or not, there are certain congressional reforms that need to be undertaken.”
Kaugnay nito, muli ring inungkat ni Sen. Imee ang bicameral committee na dapat daw mabago sa pagpasok ng 20th Congress.
“The most important is reform in the budgetary process. Tigilan na ang mahiwagang bicam. The right priorities in spending, considering our recurring fiscal deficits and huge indebtedness, must be legislated: food security and support to our farmers and fishermen; education; health and truly necessary social services,” saad ni Sen. Imee.
Samantala, dalawang matunog na pangalan ng mga senador ang nauna nang lumutang na maging Senate President matapos maiproklama ang 12 mga kandidatong nanalo noong Halalan. Ayon kay Senator-elect Erwin Tulfo, nagsisimula na raw manligaw sina Senate President Chiz Escudero at senator-elect Tito Sotto III para sa nasabing posisyon.
KAUGNAY NA BALITA: Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President