Nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Martin Romualdez sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa courtesy resignation ng lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ni Romualdez nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang handa na raw ang House of Representatives na makatrabaho ang mga bagong miyembro ng gabineteng inaasahang ipapalit umano ng Pangulo.
“As Speaker and leader of the 360-strong House of Representatives, I commend the President’s courage in demanding accountability and realigning governance,” ani Romualdez.
Dagdag pa niya, “We are ready to work with the Cabinet to create jobs, lower food prices, and ensure better public service.”
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 22, nang ihayag ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang desisyon ni PBBM na isaayos ang kaniyang gabinete dahil sa kagustuhan daw ng taumbayan nang mas mabilis na resulta mula sa kaniyang administrasyon.
“This is not business as usual. The people have spoken, and they expect results, not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” anang Pangulo.
KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete
Saad pa ng House Speaker, “I stand with the President. The nation comes first.”
Samantala, nilinaw naman Palace Press Undersecretary Claire Castro na mananatili pa rin sa puwesto ang lahat ng gabinete ni PBBM hangga’t wala raw pinal na desisyon ang Pangulo kung tuluyan silang papalitan sa puwesto.
KAUGNAY NA BALITA: Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo