May 24, 2025

Home BALITA Eleksyon

Matapos mabasura ang kaso: BH Party-list, hindi pa rin maaaring maiporklama—Comelec

Matapos mabasura ang kaso: BH Party-list, hindi pa rin maaaring maiporklama—Comelec
Photo courtesy: via Comelec and BH Partylist/FB

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa agarang maipoproklama ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list kasunod ng pagbasura ng Comelec 1st division sa mga reklamo laban sa kanila.

Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, ipinaliwanag niya kung bakit hindi raw agarang maipoproklama ang naturang party-list.

“Hindi pa po kami nag-order kaagad yung division ng proclamation sapagkat aabangan po natin kung anong gagawing remedyo nung mismong petitioner noong na-dismiss po yung kaso laban sa respondents,” ani Garcia.

Saad pa ni Garcia, nakaantabay pa rin daw ang komisyon kung iaaakyat pa raw ng petitioner ang reklamo sa mas mataas na hukuman. 

Eleksyon

Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’

“Titingnan natin kung sila ba ay mag-rerefile pa sila o kung sila ba ay mag-fafile ng motion for reconsideration o baka naman pupunta na sa ibang korte o sa mas mataas na korte,” saad ni Garcia. 

Matatandaang nitong Biyernes nang tuluyang ibinasura ng Comelec 1st division ang ng nakabinbin na disqualification case laban sa nanalong BH Party-list.

“Upon scrutiny of the submitted Petition and its attachments, it appears that the Petitioner allegedly furnished the Respondents their respective copies of the Petition via registered mail," saad ng Comelec 1st Division.

KAUGNAY NA BALITA: Disqualification case ng Bagong Henerasyon Partylist, ibinasura ng Comelec 1st division

Isa ang BH Party-list kasama ang Duterte Youth Party-list sa dalawang hindi isinama ng Comelec na maiproklama dahil umano sa mga nakabinbing kaso laban sa kanilang partido.

KAUGNAY NA BALITA: Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress