May 23, 2025

Home BALITA Politics

Disqualification case ng Bagong Henerasyon Partylist, ibinasura ng Comelec 1st division

Disqualification case ng Bagong Henerasyon Partylist, ibinasura ng Comelec 1st division
Bagong Henerasyon Partylist/FB

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang nakabinbin na disqualification case laban sa nanalong Bagong Henerasyon Partylist. 

Matatandaang nag-ugat ang disqualification case laban sa BH dahil sa umano'y partisan political activity ng mga nominee nito.

Ayon sa Comelec 1st Division, lumilitaw na hindi umano nagbigay ang petisyuner na si Atty. Russel Stanley Geronimo ng kopya ng petisyon sa mga respondent ng BH. 

"Upon scrutiny of the submitted Petition and its attachments, it appears that the Petitioner allegedly furnished the Respondents their respective copies of the Petition via registered mail," saad ng Comelec 1st Division sa three-page order na may petsang Mayo 22.

Politics

Camille Villar, nagpasalamat kay VP Sara Duterte sa Suporta

Dagdag pa ng Comelec, bigo rin ang petisyuner na mai-attach ang kopya ng Certificate of Nomination-Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) ng naturang partylist. 

"Settled is the rule that failure to comply with a mandatory requirement warrants the dismissal of the petition. In view of the foregoing, the Commission (First Division) hereby resolves to dismiss the instant petition," ayon pa sa Komisyon. 

Samantala, naka-hold pa rin ang proklamasyon ng BH dahil maaari pang maghain ng motion for reconsideration si Geronimo. 

Matatandaang naudlot ang proklamasyon ng BH sa nagdaang 2025 midterm elections.

BASAHIN: Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress