May 24, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’

Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’
Photo courtesy: via Comelec

Nagpaliwanag ang Commission on Elections (Comelec) kung bakit nakabinbin pa rin ang kaso at proklamasyon ng Duterte Youth Party-list.

Sa pagharap ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa media nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang komplikado raw ang kaso ng Duterte Youth Party-list—kumpara sa disqualification case naman ng Bagong Henerasyon Party-list.

“Yun po kasing sa Duterte Youth, hindi po ganoon kadali, komplikado, dahil hindi po technicality ang issue doon,” saad ni Garcia. 

Paglilinaw pa niya, “Ang issue po doon ay on the merits. It goes into the very heart as to whether dapat bang na-accredit or hindi 'yung naturang party-list.” 

Eleksyon

Matapos mabasura ang kaso: BH Party-list, hindi pa rin maaaring maiporklama—Comelec

Matatandang naudlot ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-list na dapat sana’y mabibigyan ng tatlong pwesto sa Kamara matapos silang pumangalawa sa may pinakamaraming boto noong Halalan para sa lahat ng party-list representatives.

KAUGNAY NA BALITA:  Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

KAUGNAY NA BALITA: Kabataan Partylist sa naudlot na proklamasyon ng Duterte Youth: 'Deserve!'

Samantala, nitong Biyernes din nang ibasura ng Comelec 1st Division ang disqualification case laban sa BH Party-list. Kaugnay nito, nag-abiso naman ang Comelec na hindi raw agad nila maipopropklama ang naturang party-list dahil may karapatan pa ring umapela ang mag petitioner sa nasabing desisyon ng komisyon.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos mabasura ang kaso: BH Party-list, hindi pa rin maaaring maiporklama—Comelec