May 23, 2025

Home BALITA Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato
Photo courtesy: via World Health Organization

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng South Cotabato ang pinakabagong 10 kaso ng mga nagpositibo sa mpox sa kanilang lugar.

Ayon sa Integrated Provincial Health Office ng South Cotabato, naitala ang magkakahiwalay na kaso ng mpox mula sa limang bayan sa kanilang lugar.

“We have 10 patients now. Everything is being done to prevent the spread of the disease to other areas in the province,” ani Dr. Conrado Braña Jr ng Provincial Health Office sa media.

Ayon pa kay Braña, nanggaling ang apat sa mga positibo sa T’Boli, dalawa naman ang mula sa Surallah, habang tig-iisa namang kaso mula sa mga bayan ng Koronadal City, Banga, Tantangan at Lake Sebu.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

Nakumpirma raw ang naturang 10 kaso ng clade II mpox variant mula sa tinatayang 19 suspected infections na iniulat ng rural health units sa mga lugar na nabanggit.

Saad pa ni Braña, “Based on the trend that we’re seeing now, the infections emerged from patients with no history of travel or exposure to confirmed cases.”

Siniguro din niya na hindi raw lolobo ang kaso ng mpox sa kanilang lugar katulad ng naging pagkalat noon ng COVID-19 dahil sa kanilang aktibong surveillance system sa buong probinsya. 

“We were able to immediately detect, capture and isolate suspected infections because our surveillance system in the province is very active. This will not be like another COVID because the people now are more aware and educated about these diseases,” aniya.