May 22, 2025

Home BALITA National

Vic Rodriguez kay PBBM: 'Kahit magpalit-palit ka pa ng cabinet secretary, ang problema ikaw mismo'

Vic Rodriguez kay PBBM: 'Kahit magpalit-palit ka pa ng cabinet secretary, ang problema ikaw mismo'
file photo

Tila pinatutsadahan ni dating executive secretary Vic Rodriguez si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kaugnay sa direktiba nito na magsumite ng "courtesy resignation" ang mga miyembro ng gabinete nitong Huwebes, Mayo 22. 

Matatandaang iginiit ni Marcos, ang naturang direktiba niya ay naglalayong mabigyan siya ng pagkakataon upang suriin ang "performance" ng bawat kalihim. 

BASAHIN: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Nitong Huwebes din, sinabi ni Rodriguez na ang naturang courtesy resignation ng mga miyembro ng gabinete ni Marcos ay isa lamang umano "cosmetic change."

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

"Cosmetic change lamang ito. Sapagkat ang pinakamalayong maaabot ng paghingi niya [PBBM] ng courtesy resignation, pag-revamp, pag-reshuffle, o pagpalit-palit ng kaniyang mga gabinete, sekretaryo, ay cosmetic change," saad ni Rodriguez sa kaniyang Facebook live.

"Many of them [cabinet members] are hardworking. Many of them are really good people and deserve to stay in their respective offices. Pero hindi lang naman alter ego ng presidente ang problema e. Ang problema mismo ay walang direksyon na tinatahak na tama ang administrasyon ni Bongbong Marcos," giit pa niya.

Patutsada pa ni Rodriguez, kahit na magpalit-palit pa umano ng mga miyembro ng gabinete na kay Marcos daw umano ang problema.

"So kahit magpalit-palit ng mga gabinete nagmumula po lahat 'yan sa lider. Kaya ito ay malinaw na pag-amin na talagang ang unang kalahating bahagi ng kaniyang [6 na taong] termino bilang Pangulo is a failure," anang dating executive secretary.

Dagdag pa niya, "Kaya ko sinasabing cosmetic change kahit magpalit-palit ka pa ng sekretaryo mo, ng mga kalihim ng iba't ibang departamento, ang problema ikaw mismo."

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro sa courtesy resignation ng cabinet members: 'Walang puwang ang tamad at korap'