Ibinida ng social media personality na si Jam Magno ang kusa niyang pagsuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Butuan City Field Unit dahil sa kasong paglabag umano sa Cybercrime Prevention Act, na may tatlong counts.
Ibinahagi na mismo ni Magno sa kaniyang Facebook reels ang voluntary surrender niya sa CIDG habang naka-make-up pa, bago pa raw siya putaktihin sa social media.
Nakalaya naman si Magno sa pamamagitan ng piyansa, na sinasabing ₱24,000 sa bawat count.
"RELEASED IN PERFECT CONDITION I am so grateful to the CIDG - Butuan City Field Unit for taking care of me when I VOLUNTARILY SURRENDERED to your office today. Padayon!!" mababasa sa kaniyang caption.
Hindi naman idinetalye ni Magno kung sino ang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Magno matapos niyang sabihing mahal niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi niya sinusuportahan ang mga anak nito.
MAKI-BALITA: Jam Magno mahal si FPRRD, pero 'di suportado mga anak niya