May 22, 2025

Home BALITA National

SP Chiz, suportado desisyon ni PBBM para sa courtesy resignation ng mga gabinete

SP Chiz, suportado desisyon ni PBBM para sa courtesy resignation ng mga gabinete
Photo courtesy: Senate of the Philippines/FB, PCO/website

Nagpahayag ng pagsuporta si Senate President Chiz Escudero kaugnay ng naging desisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. hinggil sa courtesy resignation sa lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete.

Sa pahayag na inilabas ni Escudero nitong Huwebes, Mayo 22, 2025, iginiit ni Escudero na simula palang daw ito ng pagpapabuti sa mas maaayos na gobyerno.

"Calling for the courtesy resignations of his officials is a good start. It highlights the need for the entire bureaucracy to recalibrate and align government initiatives with the expectations of our people," saad ni Escudero.

Dagdag pa niya, "For when the government fails to meet these expectations, it is the public who suffers-and I commend the president for taking immediate action."

National

Palasyo, idineklarang holiday ang June 6

Binigyang-diin din ng Senate President na kailangan umano ng Pangulo ng mapapagkatiwalaang mga gabinete sa kaniyang administrasyon.

"The President cannot implement government programs by himself; kailangan n'ya ng mapagkakatiwalaang katulong, dapat mayroon siyang matinong katuwang," aniya.

Payo pa ni Escudero na dapat umanong ilayo ni Pangulo ang kaniyang sarili laban sa mga pabaya niyang kaalyado.

"He must distance himself through his political capital for selfish ends," anang Senate President.

Matatandaang nitong Huwebes ng umaga nang ihayag ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang panawagan ni PBBM sa kaniyang gabinete.

KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Samantala, nilinaw naman ng Palasyo na sa kabila ng mga isinumite at ihahain pa lamang na mga resignation ng gabinete ng Pangulo—mananatili pa rin daw sila sa kani-kanilang posisyon hangga’t walang pinal na desisyon si PBBM kung tuluyan silang aalisin sa puwesto.

KAUGNAY NA BALITA: Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo