May 22, 2025

Home BALITA

Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’

Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’
Photo courtesy: MB File photo, Harry Roque/FB

Kinumpirma ng Department of Justice ang balak umano nilang ipakansela ang passport ng ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa ambush interview ng media kay DOJ Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla nitong Huwebes, Mayo 22, 2025, iginiit niyang ikakasa nila ang naturang plano laban kay Roque.

"Hindi ko pa napipirmahan, we will do that," ani Remulla. 

Dagdag pa niya, maaari daw mapa-deport si Roque mula sa Netherlands kung sakaling magsabay na maging kanselado ang kaniyang passport at wala ring asylum.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

"He will be an undocumented alien, 'pag wala siyang asylum at na-cancel ang passport n'ya he will be deported," anand DOJ secretary.

Sa kabila ng idinidipensa ni Roque na hindi raw siya maaaring arestuhin dahil sa kaniyang nakabinbing aplikasyon para sa asylum sa Netherlands, sagot ni Remulla, "I'm sure the asylum application will have to be finished before it is acted upon in the Netherlands, but we know that the Netherlands will not tolerate the commission of crimes that are being charged in this case, they will not tolerate it."

Matatandaang kamakailan lang nang maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong  dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

KAUGNAY NA BALITA:  Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Si Roque ay nananatili sa Netherlands habang hinihintay lumabas ang kaniyang asylum bid sa naturang bansa. 

KAUGNAY NA BALITA:  Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’