Matapos ang 2025 midterm elections, pinagre-resign ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang mga miyembro ng kaniyang gabinete.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 22, sinabi ng pangulo na ang kahilingan niyang ito ay para pakinggan umano ang mga tao.
"It’s time to realign government with the people’s expectations," saad ni Marcos.
Dagdag pa niya, "This is not business as usual. The people have spoken, and they expect results, not politics, not excuses. We hear them, and we will act."
Giit pa ni Marcos, ang naturang kahilingan niya ay naglalayong mabigyan siya ng pagkakataon upang suriin ang "performance" ng bawat departamento.
"This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over," aniya.
Ayon naman sa Malacañang, ang naturang desisyon ng pangulo ay para gawing mas pokus at "performance-driven approach" ang pamamahala ng gobyerno.
"The President emphasized that while many have served with dedication and professionalism, the evolving needs of the country require a renewed alignment, faster execution, and a results-first mindset," anang Palasyon.
Sa kabila nito, sinabi rin ng Palasyon na hindi maaapektuhan ang serbiyso publiko ng bawat ahensya ng gobyerno.
"The President reiterated that stability, continuity, and meritocracy will guide the formation of his leadership team moving forward. With this bold reset, the Marcos administration signals a new phase—sharper, faster, and fully focused on the people’s most pressing needs."