May 22, 2025

Home BALITA National

Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo

Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo
Photo courtesy: PCO/website

Nilinaw ng Malacañang na mananatili pa rin umano sa kani-kanilang puwesto ang lahat ng miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kabila ng naging direktiba ng Pangulo kaugnay ng courtesy resignation.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Huwebes, Mayo 22, 2025, iginiit niyang hawak pa rin ng Pangulo ang desisyon kung may papalitan siya sa kaniyang gabinete.

“Yes, mananatili sila sa kanilang posisyon. Siguro ito na yung tamang panahon para ipakita nila na dapat silang manatili sa kanilang posisyon pero kapag nakita po talaga ng Pangulo na hindi mo deserve ang iyong posisyon, you will be out,” ani Castro. 

Giit pa ni Castro na itinakda ng Pangulo ang naturang desisyon dahil sa pagkadismaya at upang maalarma raw sa pagkilos ang lahat ng gabinete.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

“Lahatan po ito, para magkaroon ng elbow room ang Pangulo sa pagpili ng tamang lider na mamumuno sa kaniyang administrasyon,” saad ni Castro.

Matatandaang nitong Huwebes ng umaga nang ihayag ng Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing desisyon ni PBBM.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” anang pahayag na inilabas ng PCO.

KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Samantala, ilang gabinete na ni PBBM ang nagsumite ng kanilang resignation kabilang sina Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla, Department of National Defense (DND) Gilberto Teodoro, Energy Sec. Raphael Lotilla, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian at Executive Sec. Lucas Bersamin.