Isa sa mga naapektuhan ang Kapuso actress na si Kylie Padilla hinggil sa malagim na balita tungkol sa isang ina sa Sta. Maria, Bulacan, na umano'y sumunog sa tatlo niyang anak na lalaki bago sinilaban din ang kaniyang sarili.
Ayon sa mga ulat, nadatnang sunod na sunog ang mga bata sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay San Vicente. Kuwento ng isang kapitbahay, naisalaysay pa raw ng animna taong gulang na anak ng namatay na suspek, na siyang panganay, na binuhusan sila ng kanilang sariling ina ng gaas.
Itinakbo sa ospital ang mga bata subalit dead on the spot ang bunso habang namatay naman ang dalawa pa, kasama ang ina na siya umanong gumawa ng panununog.
Base umano sa inisyal na imbestigasyon, ang nabanggit na nanay ang sumunog sa kaniyang mga anak, at pagkatapos, siya naman ang gumawa nito sa kaniyang sarili, sa pamamagitan ng paint thinner.
Bago raw maganap ang insidente ay nagpa-blotter pa sa barangay ang ina para ireklamo ang mister at umano'y pakialamerang biyenan, na pinag-aaway umano silang mag-asawa. Pagkatapos daw magpa-blotter, saka raw isinakatuparan ng ina ang trahedya.
"Ayon doon sa blotter, pinag-aaway sila no'ng biyenan," panayam ng Frontline Pilipinas ng TV5 kay Potenciano Lorenzo, kapitan ng Barangay Vicente.
"Kumbaga, galit siya sa biyenan niya."
Narekober naman ng mga awtoridad ang basyo ng paint thinner at posporo na pawang ginamit sa krimen.
Sa Batangas daw nagtatrabaho ang mister at tatay ng mga bata, na tumangging magbigay ng pahayag at humiling ng privacy.
Naging paksa naman sa social media ang nangyari. May mga nagsabing sana raw ay hindi na dinamay ng ina ang mga anak niya. May mga nagsabi namang huwag agad husgahan ang ina at baka may malalim siyang pinagdaraanan, at baka nakaranas ng tinatawag na "postpartum depression."
KAUGNAY NA BALITA: Nanay na sumunog sa 3 anak may problema sa mister, 'pakialamerang' biyenan?
Mabalik naman kay Kylie, ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account ang isang post tungkol sa "postpartum depression" na naranasan daw ng nabanggit na ginang, na naging dahilan daw kung bakit nangyari ang nabanggit na krimen.
"My last post is very personal to me. After giving birth to my 2nd son I also suffered and still suffer from complications of childbirth or 'binat' as they call it," kuwento ni Kylie.
"There were also complications in my spinal cord injection. I could not walk for about 3 months without my lower body shaking and headaches, nerve pain and over fatigue."
"I also struggled with breastfeeding my 2nd because he could not suck as well as my first. So all the stress anxiety and body pain ABSOLUTELY TOOK A TOLL ON MY BODY. I NEVER THOUGHT I WOULD EVER RECOVER."
"I never thought I would ever get passed that dark place that I was in. My support system then was also lacking. Mahirap iexplain sa mga hindi nakakaintindi ng 'binat.' ANYWAY THIS POST IS NOT ABOUT ME," kuwento niya.
Kaya naman, panawagan niya na i-push daw ang "paid maternity leave" at "postpartum depression awareness."
"I had savings I had the ability to support myself. But not all moms have this. So I am urging please push #PaidMaternityLeave AND #postpartumdepressionawareness."
"Mothers deserve time to rest their bodies and minds after childbirth. They deserve to be able to take care of themselves as well as their children."
"We need a world where everyone feels supported!!!! So our moms can better take care of our children!!!!!" aniya pa.
Sang-ayon naman sa kaniya ang mga netizen, at may mga nagsabi pang sana raw ay isulong ito ng kaniyang amang si Sen. Robin Padilla sa Senado.
Si Kylie ay estranged wife ng aktor na si Aljur Abrenica at biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
KAUGNAY NA BALITA: Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak