May 22, 2025

Home BALITA National

Gabinete ni PBBM, kailangang may mapatunayan para manatili sa puwesto—Palasyo

Gabinete ni PBBM, kailangang may mapatunayan para manatili sa puwesto—Palasyo
Photo courtesy: screenshot from PCO/FB, PCO/website

Iginiit Palace Press Secretary Claire Castro na kailangan umanong makipagsabayan ng mga gabinete ni Pangulong Ferdinand “Marcos” Jr., upang maging karapat-dapat sa kanila-kanilang puwesto.

Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Mayo 22, 2025, sinabi ni Castro na kailangan daw na may mapatunayan ang lahat ng gabinete, kasunod ng naging direktiba ng Pangulo na courtesy resignation. 

Mas maganda po itong maipakita rin ng mga heads of agency [at] cabinet secretaries na sila ay naaayon sa goal ng pangulo. Ipinakita nila ay dapat na manatili bilang parte ng administrasyon ng ating pangulo," saad ni Castro. 

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro sa courtesy resignation ng cabinet members: 'Walang puwang ang tamad at korap'

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Matatandaang nitong Huwebes ng umaga nang ihayag ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagnanais ng Pangulo na magkaroon ng reogranization sa hanay ng kaniyang mga gabinete.

KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Nilinaw din ni Castro ang nagiging basehan ng Pangulo sa pagpili ng mga gabineteng maaaring manatili sa puwesto.

"Unang-una, kung gaano nga ba kabilis ang kanilang performance at kung may issue ba ng korapsyon. So hindi lamang performance 'to, titingnan din po nila kung nagkakaroon pa ng issue ng anomalya sa kanilang pagha-handle ng agencies," anang Undersecretary.

Paglilinaw pa ni Castro, bagama’t nag-uumpisa ng magpasa ng kanilang resignation letters ang mga gabinete ni PBBM, mananatili pa rin sila sa posisyon hangga’t wala pang pinal na desisyon ang Pangulo kung tuluyan silang papalitan o hindi.

“Yes, mananatili sila sa kanilang posisyon. Siguro ito na yung tamang panahon para ipakita nila na dapat silang manatili sa kanilang posisyon pero kapag nakita po talaga ng Pangulo na hindi mo deserve ang iyong posisyon, you will be out,” ani Castro. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo