May 22, 2025

Home BALITA National

Crispin Remulla, natanong kung handa sa bagong posisyon sa Marcos admin

Crispin Remulla, natanong kung handa sa bagong posisyon sa Marcos admin
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News/MB

Nauntag ng media ang nag-resign na si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla kung may alok na bang ibang posisyon sa kaniya si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., matapos manawagan ng "courtesy resignation" sa lahat ng miyembro ng Gabinete.

Saad ni Remulla, handa umano siyang tanggapin kung anumang posisyon sa pamahalaan ang ipagkakaloob sa kaniya ng Pangulo.

"Of course, we're willing, we're willing to undertake a role," matipid niyang sagot.

Isa si Remulla sa mga sumunod sa atas ng Pangulo na maghain ng courtesy resignation ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete para sa balak ng administrasyon na "recalibration."

National

Palasyo, idineklarang holiday ang June 6

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hangga't wala pang pinal na desisyon ang Pangulo, at kahit sa kaniya nagmula ang panawagan ng courtesy resignation, mananatili pa rin ang mga Gabinete sa mga posisyon nila. 

MAKI-BALITA: Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo