May 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre
Photo courtesy: via Balita/via @pauloinmanila and 99 others (X)

Bukod sa mga concerned netizen, isa sa mga celebrity na nabahala sa umano'y kumakalat na larawan ng Sierra Madre ay ang aktres at TV host na si Anne Curtis-Heussaff.

Makikita kasi sa X post ng isang netizen ang umano'y kalagayan ngayon ng bulubundukin, na sinasabing nakatutulong upang matunaw agad ang malalakas na bagyong sumasalanta sa Pilipinas.

"ANONG PINAG GAGAWA NIYO SA #SIERRAMADRE?!" mababasa sa X post ng netizen.

"Money will kill us all! Talagang pinayagan sila ng Mayor ng Dinapigue, Isabela to do a 25 year contract Mining Operation? Para saan?"

Tsika at Intriga

Mark Anthony Fernandez isa lang lente ng salamin sa mata, anyare?

"Hindi ba nila alam na Sierra Madre protects us from typhoons? Ano ba mas importante sa Isabela? Ang Pera sa bulsa nila or ang buhay ng mga kababayan natin kapag tinatamaan ang Luzon ng bagyo? #Déforestation" mababasa pa.

Niretweet naman ito ni Anne at kinomentuhan.

"Good morning! Is this real can anyone confirm this? This quite concerning. I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons strength before it hit the cities. I truly hope this isn't real!!!!"

Sagot naman ng netizen, totoo raw ito at pinagbatayan ang ulat ng isang news outlet tungkol dito.

Photo courtesy: Screenshot from @pauloinmanila and 99 others (X)

Mababasa naman sa ulat na inilathala noong Mayo 21 na naispatan sa Google Maps ang aerial view ng Sierra Madre na tila nakararanas ng deforestation.

Makikita umano sa larawan ang clearing sa kagubatan ng Dinapigue, isang liblib na bayan sa lalawigan ng Isabela. Batay raw sa mga lokal na opisyal, konektado ang nabanggit na large-scale activity sa operasyon ng Dinapigue Mining Corporation, isang mining company na may 25-year mining contract sa nabanggit na lugar.

Kinumpirma naman daw ni Mayor Vicente D. Mendoza na may kaukulang permit ang nabanggit na mining activity sa national government. Lahat daw ng operasyon nila ay may permit at dokumentado, batay sa inilabas na issue ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), pangunahing regulatory body na tumitingin sa mineral resources ng bansa.

Giit naman daw ng environment groups, kahit na "legal" ang operasyon at mga gawain ng nabanggit na minahan, kailangan pa rin daw isaalang-alang ang pangangalaga laban sa pagkasira ng kalikasan.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol dito.