May 22, 2025

Home BALITA

Senior officer ng PH Air Force inireklamo ng panggagahasa ng 2 junior officers

Senior officer ng PH Air Force inireklamo ng panggagahasa ng 2 junior officers
Photo courtesy: MB file photo

Isang senior officer ng Philippine Air Force ang nahaharap sa reklamong panggagahasa umano sa dalawang junior officers.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules, Mayo 21, 2025, kasalukuyang naka-house arrest sa isang military camp ang inireklamong senior officer habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ayon sa mga ulat, isinumite sa prosecutor’s office ang naturang reklamo laban sa opisyal ng PH Air Force. Posible umanong maharap sa paglabag sa Article of War 96 (conduct unbecoming of an officer and a gentleman) at Article of war 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline). 

“As a general rule, pagka-criminal case is filed before a civilian court, yung AFP will defer this to the court's authority regarding sa custody,” anang AFP.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Dagdag pa nila, “However, under the Articles of War, AW 75, we provide that any person subject to military law who is held by military authorities to answer or who is awaiting trial or the result of trial or who is undergoing sentence for a crime or offense punishable under the Articles of War, yung AFP may retain custody.”

Mayroon din umanong psychological support na ibibigay ang AFP para sa mga biktima.

“Sila [PAF] ang nagha-handle po nitong officers na involved. Rest assured na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas will do the necessary measures to protect our officers. Meron tayong measures like psychological support that we give them at kung anuman ang kakailanganin para mapabuti ang kanilang kalagayan, ibibigay po natin,” saad ng AFP.