May 21, 2025

Home BALITA National

Line-up ng posibleng pumalit bilang PNP chief, pinuri ni Marbil: 'Ang gagaling po ng mga 'yan'

Line-up ng posibleng pumalit bilang PNP chief, pinuri ni Marbil: 'Ang gagaling po ng mga 'yan'
Photo courtesy: via PNP

Nagpahayag ng suporta si Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil sa mga posible umanong pumalit sa kaniya bilang susunod na lider ng buong kapulisan.

Sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Mayo 21, 2025, iginiit ni Marbil na pawang mga karapat-dapat umano ang limang napipisil na susunod sa kaniya.

“Ang gagaling po ng mga pulis namin. They have their own strength…that is capable to lead the Philippine National Police. I can assure that these people are very good,” ani Marbil.

Ayon sa kaniya, ang susunod na posibleng pumalit bilang PNP Chief ay sina: Lieutenant General Robert Rodriguez, deputy chief for operations, Lieutenant General Edgar Alan Okubo, chief of the directorial staff, Police Major General Nicolas Torre III, chief of the Criminal Investigation and Detection Group at Police Major General Anthony Aberin, chief of the National Capital Region Police Office.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Sa Hunyo 7 nakatakdang magretiro sa puwesto si Marbil.

Samantala, ayon naman kay PNP public information office chief Police Colonel Randulf Tuaño, ang pagpili raw ng susunod na hepe ng pulisya ay nasa kamay ng Pangulo mula sa listahang ibinaba ng National Police Commission (NAPOLCOM). 

“Ito ay manggagaling sa listahan ng National Police Commission na ibibigay sa ating Pangulo na ang pagpipilian po, ang wording siya po ay the most senior and qualified officer in the service,” saad ni Tuaño.

Dagdag pa niya, “Basta po may ranggo na Police Brigadier General ay qualified na po na maging kandidato po sa pagiging next chief.”