May 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga
Photo courtesy: contributed photo

Nasunog ang ilang bahagi ng isang Kapilya ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Mauban, Quezon matapos umanong hagisan ng bomba ng isang lalaki.

Ayon sa mga ulat, binasag ng suspek ang bintana ng kapilya at saka ibinato ang improvised explosive device upang pasabugin ang ilang bahagi ng naturang Kapilya. 

Tinatayang nasa ₱50,000 ang kabuuang danyos sa Kapilya bunsod ng sunog na sumiklab ngunit agad ding naapula ng ilang miyembro ng INC. Lumalabas sa imbestigasyon na sinubukan pa raw nilang habulin at hulihin ang suspek ngunit nagawa pa raw nitong magbanta na babalikan ang Kapilya at saka nakatakas.

Umabot ng tinatayang isang oras bago nasakote ng pulisya ang suspek na umaming gumagamit umano ng iligal na droga.

Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Batay sa pulisya, wala raw ibang motibo ang suspek at naisipan lamang daw nito na magbato ng pampasabog sa loob ng Kapilya.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente, habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa reklamong arson.