May 21, 2025

Home BALITA Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man
Photo courtesy: Maria Jose Estupiñan (FB)

Hindi pa man nakaka-get over ang mga netizen sa pinaslang na Mexican social media influencer habang naka-live stream, isa na namang insidente ng pagpatay ang lumutang sa ibang bansa, matapos patayin ng isang umano'y nagpanggap na delivery man ang 22-anyos na model-influencer na si Maria José Estupiñan mula sa Colombia.

Ayon sa mga ulat ng international media outlets, sa kumpirmasyon na rin ni Magda Victoria Acosta, presidente ng National Gender Commission of the Colombian Judiciary, Mayo 15 nang paslangin ng isang nagpanggap na delivery man si Estupiñan, pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng pinto ng kaniyang tinitirhan upang tingnan kung sino ang kumatok.

"She was a young, enterprising woman with a whole life ahead of her, but those dreams are cut short like the dreams of many women in this country," saad ni Acosta.

Batay sa mga inisyal na imbestigasyon, tinitingnan ang anggulong "femicide" din ang dahilan ng pagpatay sa influencer, kagaya rin kay Mexican influencer Valeria Marquez.

Internasyonal

Ex-US Pres. Joe Biden may 'aggressive form' ng prostate cancer

KAUGNAY NA BALITA: Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'

Ang femicide, na isang gender-based violence, ay intensyonal na pagpatay, pananakit, o pang-aabuso sa isang babae dahil sa kaniyang gender.

Ayon sa ulat ng United Nations (UN) Women na mababasa sa kanilang website, sa bawat 10 minuto, may napapatay na babae ng kaniyang partner o sa isang pamilya, noong taong 2023.

Pagbibigay-kahulugan nila sa femicide, "Femicide (or feminicide, as it is referred to in some contexts) is defined as an intentional killing with a gender-related motivation."

"It is different from homicide, where the motivation may not be gender-related," anila pa.

Paliwanag pa nila, "Femicide is driven by discrimination against women and girls, unequal power relations, gender stereotypes or harmful social norms."

"It is the most extreme and brutal manifestation of violence against women and girls which occurs on a continuum of multiple and related forms of violence, at home, in workplaces, schools or public spaces, including intimate partner violence, sexual harassment and other forms of sexual violence, harmful practices and trafficking."

BASAHIN: ALAMIN: Ano ang 'femicide' at bakit nakababahala ito?