May 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, may naisip na dapat gawin ng gobyerno kung 'di itataas suweldo

Vice Ganda, may naisip na dapat gawin ng gobyerno kung 'di itataas suweldo
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)/via Balita

Nagbigay ng suhestyon si Unkabogable Star Vice Ganda para sa gobyerno kung hindi nila maitataas ang pasahod para sa mga manggagawa.

Kilala ang "It's Showtime" host sa pagbibigay rin ng kaniyang saloobin patungkol sa mga isyung panlipunan, hindi lamang basta nagpapatawa.

Nagsimula ang talakayan tungkol dito nang makaisip ang host-comedian ng proyekto o batas na makikinabang ang mga estudyanteng nagko-commute kapag papasok na sila sa paaralan.

Sey ni Meme Vice habang nagho-host sa isang segment na "Step In The Name of Love" ng noontime show na "It's Showtime," napag-usapan ng hosts at ng mga participant ang mga baon nila sa eskuwela.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

"Alam mo parang bigla kong naisip, parang magandang project o batas, 'yong mga bata, 'yong mga estudyante, wala nang bayad sa pamasahe. Tapos 'yong mga driver, ike-claim na lang nila somewhere, kung ilan 'yong sumakay sa kanilang estudyante, tapos gobyerno ang magbabayad ng pamasahe," ani Vice Ganda.

Para sa host, basic daw kasi ang pamasahe at para hindi maubos dito ang baon ng mga mag-aaral na puwede pa nilang magastos sa ibang bagay.

"Dapat makaisip 'yong gobyerno ng mga paraan na makakaawas sa mga suliraning pananalapi ng mga tao, kasi hindi naman nila itinataas ang suweldo ng mga manggagawa eh, so kung hindi ninyo matataas ang suweldo ng mga manggagawa, bawasan ninyo ang mga pagkakagastusan ng maliit nilang kita."

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda may naisip na 'batas' para sa pamasahe ng mga estudyante

Agree naman dito ang co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Ogie Alcasid na malaking tulong din daw para sa mga magulang ng mga mag-aaral.