May reaksiyon at komento si Sen. JV Ejercito patungkol sa nasabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang "BBM Podcast" na bukas siya sa pakikipag-ayos sa pamilya Duterte dahil ayaw niya ng gulo.
Sa episode 1 ng podcast ng Pangulo na umere noong Lunes, Mayo 19, natanong ng host nitong si broadcast-journalist Anthony Taberna kung bukas ba siyang makipagsundo sa pamilya Duterte matapos ang kanilang "falling out."
"Mr. President, kayo po ba sa puso ninyo, gusto n'yo po bang makipagkasundo pa sa mga Duterte?" tanong ni Taberna.
"Oo. Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo lahat ng tao. Marami na akong kaaway, hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko ng kaibigan," sagot ng Pangulo.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, bukas na makipagkasundo sa mga Duterte: 'Ayoko ng gulo'
"Kaya ako lagi akong bukas sa ganyan. I'm always open to any approach na 'Halika magtulungan tayo.' Kahit hindi tayo magkasundo sa polisiya, gawin 'yong trabaho pero huwag na tayong nanggugulo. Tanggalin natin 'yong gulo," giit pa ni Marcos.
Sa opisyal na pahayag naman ni Ejercito, na mababasa sa kaniyang Facebook post, sinabi niyang tila ang alitan at bangayan ng dalawa ay malalim na subalit umaasa pa ring mangyayari.
"Sa mga lumalabas na pahayag at mga balita, mukhang malalim na ang alitan at hidwaan. Pero kahit parang malabo at mahirap sa ngayon, umaasa pa rin tayo, at praying, na magkakaroon ng positive development," anang senador.
"We’ve been saying this too ever since, that early political bickerings and rifts have done nothing but hold us back. Napag-iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa."
"We have so many pressing problems that need us to work together and stay focused. I hope we can just prioritize the country’s current challenges. If we join forces, we can help our people and our country move forward."
Matatandaang lumutang ang pangalan ni Ejercito sa mga senador daw na posibleng kumontra sa impeachment ni Vice President Sara Duterte kapag umusad na ito sa Senado, ayon kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, ibinahagi mga posibleng senador na ‘kokontra sa impeachment’ ni VP Sara