Inanunsyo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature na bukas na ang kanilang ika-73 patimpalak para sa mga manunulat ng iba't ibang kategorya.
"The 73rd Carlos Palanca Memorial Awards for Literature is now accepting entries for the year 2025," mababasa sa kanilang anunsyo, Martes, Mayo 20, sa opsiyal na Facebook page.
"The Carlos Palanca Foundation, Inc. is now officially accepting entries to the 73rd Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards)."
"The most prestigious literary competition in the Philippines, the Palanca Awards invites all Filipino citizens or former Filipino citizens of all ages, whether based locally or abroad, to participate."
Narito ang ilan sa mga kategoryang maaaring salihan ng mga bagito at batikang mga manunulat.
English Division – Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry Written for Children, One-act Play, and Full-length Play;
Filipino Division – Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tula Para Sa Mga Bata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, and Dulang Pampelikula;
Regional Languages Division – Short Story-Cebuano, Short Story-Hiligaynon, and Short Story-Ilokano;
Kabataan Division – Kabataan Essay (English) and Kabataan Sanaysay (Filipino)
Sa mga nagnanais sumali at alamin ang mekaniks, mangyaring magsadya lamang sa opisyal na website ng Palanca. Ang deadline ng pagpapasa ng mga entry ay hanggang sa Hunyo 30.
Ang Carlos Palanca awards ay prestihiyosong timpalak sa pagsulat ng espesipikong genre ng panitikan sa buong bansa.